Shirataki Noodles: The Zero Carb Pasta Replacement

Shirataki Noodles: The Zero Carb Pasta Replacement

Shirataki Noodles: The Zero Carb Pasta Replacement

 

Mahilig ka ba sa pasta? Hindi hadlang ang low carb diet mo para itigil ang paborito mong mga pasta meals. Instead na high carb na mga pasta, shirataki noodles ang iyong gamitin, ang zero carb at zero calories miracle noodles na low carb at keto friendly.

Ang shirataki noodles, na kilala rin sa tawag na miracle noodles at konjac noodles, ay ang pasta alternative ng mga taong nag nagl-low carb diet. Ito ay keto-approved, vegan, soy-free, gluten-free, at cholesterol-free.

Ang literal na ibig sabihin ng salitang shirataki ay "waterfall resembling a white sheet" dahil ito ang itsura ng shirataki noodles. Gawa ito sa glucomannan, o fiber na nanggagaling sa root ng konjac plant.

Ang shirataki noodles ay transluscent at manipis. Ang texture naman niya ay hindi katulad ng regular na pasta. Perfect ang shiratkai noodles para sa mga mahilig kumain ng pasta. Mga halimbawa na pwedeng iluto na low carb friendly ay ang Tuna Carbonara, Pancit Bihon, Palabok, at iba pa.

Dahil gawa ang shirataki noodles sa 97% water at 3% fiber, maliban sa zero carbs at zero calories ito, madali rin ito magpa-busog kaya mapapakonti ang kain mo. Mas marami kang pwedeng kainin na ibang pagkain dahil zero net carbs ang kinakain mo. Nakalagay sa nutrition facts ng shirataki noodles na may 3g net carbs ito. Pero dahil madali lang idigest ang shirataki, considered na siya as zero carb.

Kapag kinamin mo ang shirataki noodles, ang Shirataki ay naga-absorb ng tubig sa digestive tract mo (dahil sa 3% fiber nito). Dahil dito, nababawasan ang absorption ng carbs at cholesterol ng katawan.

Ang shirataki noodles ay usually nakababad sa liquid. Mayroon itong amoy na parang isda dahil ang tubig na kung saan binabad ang noodles ay ina-absorb ang amoy ng konjac root. Pero huwag mag-alala, plain na tubig lang ito. Hugasan o i-rinse lang ang shirataki noodles bago iluto para matanggal ang amoy nito.

Sa LittleRetailPH, may dalawang klaseng shirataki ang pwedeng bilin: Spaghetti at Angel Hair. Katulad ng normal na pasta, ang shirataki spaghetti ay medyo mas makapal kumpara sa angel hair. Pwedeng paghaluin ang parehong klase sa isang lutuan, o pwede rin namang isang klase lang ang gamitin mo. Depende na sa preference mo kung anong gusto mong kapal ng noodles. Pareho lang ang paraan ng pagluluto rito at pareho rin ang lasa ng parehong klase ng shirataki.

HOW TO COOK SHIRATAKI NOODLES

  1. I-drain ang shirataki noodles sa packaging at itapon ang liquid
  2. Hugasan ang noodles ng 2-3 beses hanggang mawala ang amoy nito.
  3. Magpakulo ng tubig at i-boil ito ng 1-2 minuto.
  4. I-drain ulit ang tubig nito.
  5. Ilagay sa pan at i-dry roast ito ng 2-3 minuto o hanggang mawala ang liquid nito.
  6. At luto na ang shirataki noodles! Pwede na itong ihalo sa kung ano mang gusto mong sauce

 

--------------------------

Available ang shirataki noodles (spaghetti at angel hair) at shirataki rice sa sumusunod:

Website: littleretailph.com
Shopee: bit.ly/shopeelittleretailph (COD and Free Shipping)
Lazada: bit.ly/lazadalittleretailph (COD available)

COMING SOON:

Recipes using Shirataki Noodles

Sources:

https://www.healthline.com/nutrition/shirataki-noodles-101
https://www.bulletproof.com/diet/keto/shirataki-noodles/
http://www.konjacfoods.com/noodles/index.htm